^

Metro

‘John Lloyd Cruz’ timbog sa droga

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang “John Lloyd Cruz” na kapangalan ng sikat na aktor sa bansa, nang maaresto ng mga nagpapatrolyang opisyal ng barangay at mahulihan ng ilegal na droga nitong Martes ng mada­ling araw sa San Andres Bukid, Maynila.

Nakaditine ngayon sa Sta. Ana Police Station 6 custodial cell ang suspek na si John Lloyd Cruz y Dequino, 19, walang hanapbuhay at residente ng 2515 Radium St., San Andres Bukid.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-5:00 ng madaling araw nang maaresto ang suspek sa Phase 2, Onyx St., sa San Andres Bukid, na sakop ng Barangay 775.
Nagpapatrolya ang mga tauhan ng Barangay 775, Zone 84, nang mamataan nila ang suspek na kahina-hinala ang kilos kung kaya sinita.

Nang kapkapan ang suspek ay nakuha umano sa kanya ang tatlong plastic sachet na may lamang hinihinalang shabu na halos nasa dalawang gramo at nagkakahalaga ng P13,600.

vuukle comment

JOHN LLOYD CRUZ

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with