^

Metro

Price ceilings sa school supplies ipatupad

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Price ceilings sa school supplies ipatupad
Ayon kay 2nd District Quezon City Rep. Ralph Tulfo, dapat magpatupad ng price ceilings ang DTI sa presyo ng mga school supplies sa halip na Suggested Retail Price (SRP).
Philstar File

MANILA, Philippines — Pinakikilos ng isang mambabatas ang Department of Trade and Industry (DTI) upang imonitor at pigilan ang inaasahang pagtaas ng school supplies kaugnay ng full face-to-face classes sa taong ito.

Ayon kay 2nd District Quezon City Rep. Ralph Tulfo, dapat magpatupad ng price ceilings ang DTI sa presyo ng mga school supplies  sa halip na Suggested Retail Price (SRP).

Inihayag ng solon , nababahala siya na dahilan sa mataas na presyo ng mga school supplies ay mapagkaitan ng edukasyon ang mga estud­yanteng mula sa mahihirap na pamilya.

Ito’y sa gitna na rin ng krisis sa nagpapatuloy na COVID-19 pandemic at maging sa serye ng pagtaas ng presyo ng ­langis at iba pang produktong petrolyo sa pandaigdigang merkado.

Sinabi ni Tulfo na kung tataas ang presyo ng school supplies at maging ng tuition fees ay maraming mga estudyante ang hindi na makakabalik eskuwela.

Una nang inihayag ni Department of Education Secretary at Vice President Sara Duterte na magbabalik eskuwela na ang mga estudyante sa Agosto pero ang full face-to-face classes ay isasagawa na muli  sa darating na Nobyembre ng taong ito.

DTI

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with