Government employee hulog sa 4th floor ng Mabini Hall sa Malacañang, patay

Nakilala ang nasawi na isang Mario Castro, administrative aide ng Information Communications and Technology Office na nasa ilalim ng Deputy Secretary for Finance and Accounting.
STAR/File

MANILA, Philippines —  Patay ang isang empleyado ng gob­yerno matapos mahulog mula sa ika-4 na palapag ng Mabini Hall sa loob ng Malacañang Compound.

Nakilala ang nasawi na isang Mario Castro, administrative aide ng Information Communications and Technology Office na nasa ilalim ng Deputy Secretary for Finance and Accounting.

Iniimbestigahan na ng Presidential Security Group at Philippine National Police  Security Force Unit ang insidente.

Inaalam din kung aksidente ba o sadyang  tumalon ang biktima.

“The Presidential Security Group and the PNP Security Force Unit are jointly investigating the unfortunate incident,” pahayag ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles.— Danilo Garcia

Show comments