MANILA, Philippines — Nangangailangan ang Land Transportation Office (LTO) ng P6.8 bilyon upang mapunan ang license plate backlog ng ahensiya.
Ayon kay LTO officer-in-charge Romeo Vera Cruz, malaki ang backlog ng plaka sa mga 4-wheel at motorsiklo.
Idinagdag pa nito na kayang-kayang punan ang plate vehicle backlog kung mayroon ng pondo.
Sa ngayon anya ay wala namang problema sa production ng plaka dahil mayroong modern plate-making plants ang LTO na 2 robots at 10 manual embossing machines pero mawawala ang backlog sa plaka kung mayroon ng pondo para dito.
Sinabi ni Vera Cruz na noong nagdaang buwan, ang LTO ay may motorcycle plate backlog na 10 milyon.
Anya noong 2019 pa ay humiling ang LTO sa Kongreso ng P2.6 bilyong budget para magawan ng paraan ang plate backlog. Lumaki na anya ngayon ang backlog kaya tumaas na din ang pangangailangan sa pondo.