^

Metro

1 patay, 2 sugatan sa pamamaril ng tandem

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
1 patay, 2 sugatan sa pamamaril ng tandem
Kaagad na binawian ng buhay ang biktimang si Jondel Santiago, alyas Eloy, residente ng Batasan Hills, QC, dahil sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Isa ang patay, habang dalawa ang nasugatan nang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Kaagad na binawian ng buhay ang biktimang si Jondel Santiago, alyas Eloy, residente ng Batasan Hills, QC, dahil sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Hindi naman kaagad nakuha ang pagkaka­kilanlan sa dalawang  sugatang biktima, na kinabibilangan ng isang babae, na nagtamo ng tama ng bala sa balikat at tuhod, at isang lalaki, na tinamaan naman sa likod.

Samantala, nakatakas at tinutugis na rin ng mga awtoridad ang mga ‘di kilalang suspek na nakatakas matapos ang krimen.

Batay sa ulat ng Batasan Police Station 6 (PS-6) ng Quezon City Police District (QCPD), dakong alas-7:30 ng gabi nang maganap ang krimen sa Kalinisan St., sa Batasan Hills.

Kasalukuyan umanong naglalakad sa lugar si Santiago nang bigla na lang itong lapitan ng dalawang ‘di kilalang suspek na magkaangkas sa motorsiklo.Bumaba umano ang mga suspek sa motorsiklo at saka malapitang pinagbabaril ang biktima bago tumakas.

Nagkataon namang naglalakad rin sa lugar ang dalawa pang biktima kaya’t maging sila ay minalas na tamaan ng bala.

Inaalam pa naman ng mga otoridad kung ano ang motibo ng krimen at sino ang mga taong nasa likod nito.

BATASAN HILLS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with