^

Metro

Zaldy Ampatuan bigo sa hiling na mailipat sa medical facility

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bigo si dating Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Governor Zaldy Ampatuan sa hi­ling niya na mailipat sa isang medical facility mula sa New Bilibid Prison (NBP) makaraang tanggihan ito ng Court of Appeals (CA).

Sa siyam na pahinang desisyon na may petsang Hulyo 4, ibinasura ng CA ang petisyon ni Ampatuan laban sa desisyon ni Quezon City Regional Trial Court Judge Jocelyn Solis-Reyes, na unang tumanggi sa kahilingan niyang mailipat sa medikal na pasilidad noong 2020.

Ayon sa korte, wala nang bisa ang katwiran ni Ampatuan na mailipat dahil sa takot niya na dapuan ng COVID-19 makaraang bumaba na ngayong 2022 ang mga kaso nito sa bansa.

Idinagdag pa ng CA na nasa Alert Level 1 na ang National Capital Region mula pa nitong Abril, habang nasa 27,879 inmates na rin ang “fully-vaccinated” na nitong Marso, habang ang iba ay nag-uumpisa nang magpaturok ng booster shots.

Kasalukuyang ginugugol ni Ampatuan, 54, ang hatol na “reclusion perpetua” sa kaniya makaraang mahatulang “guilty” sa 57 bilang ng murder kaugnay ng Maguindanao Massacre noong 2009.

ARMM

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with