^

Metro

Tig-5K na ayuda bigay sa 674 stude sa Maynila

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Tig-5K na ayuda bigay sa 674 stude sa Maynila
Manila Mayor Honey Lacuna and Manila Department of Social Welfare director Ma. Asuncion Fugoso led the distribution of educational assistance for students at the San Andres Sports Complex in Malate, Manila.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nasa 674 estudyante sa Maynila ang pinagkalooban ng tig-P5,000 tulong pinansyal sa pangunguna ni Manila City Mayor Honey Lacuna-Pangan.

Pawang mga estud­yante mula sa mahihirap na pamilya ang inabutan ng tulong pinansyal ni Lacuna at ng mga opisyal ng Manila Social Welfare and Development (MSWD) sa San Andres Sports Complex.
Nabatid na umaabot sa kabuuang P3,370,000 ang naipamahagi ni Lacuna sa may 674 benepisyaryo na nagmula sa iba›’t ibang distrito ng lungsod, sa ilalim ng kanilang Educational Assistance Program (EAP).

Ang EAP ay isang locally-funded regular program sa ilalim ng MSWD, na ang layunin ay magkaloob ng tig-P5,000 financial assistance para sa mga edukasyunal na pangangailangan ng mag-aaral na nabibilang sa marginalized families sa Maynila.

Ayon kay Lacuna, kabilang sa mga recipients na tumanggap ng ayuda ay 388 beneficiaries mula sa District 1 na umabot sa P1,940,000; District 4 na may 150 be­neficiaries na nabigyan ng kabuuang P750,000; at District 6 na may 136 beneficiaries o kabuuang P680,000 ayuda.

Samantala, pinaalalahan din ni Lacuna ang mga Manilenyo na mahigpit pa ring ipinatutupad ang mandatoryong pagsusuot ng face mask sa mga pampublikong lugar makaraang mapansin na marami na ang hindi sumusunod dito.

Sinabi ni Lacuna na ma­rami nang nasisita na taga-Maynila na lumalabas ng bahay na wala nang suot na face mask. Ipinaalala niya na mayroon pa ring COVID-19 at umiiral pa rin ang Ordinance No. 8627 (Mandatory Use of Face mask in Public places).

Sa mga lalabag sa nasabing ordinansa ay pagmumultahin ng P1,000 para sa first offense, P2,000 para sa second offense, at P5,000 o isang buwan na pagkakabilanggo o parehong parusa para sa ikatlo at magkakasunod na paglabag.

vuukle comment

AYUDA

MSWD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with