^

Metro

Bagong water project ng Maynilad, inilunsad

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Inilunsad ng West Zone concessionaire Maynilad Water Services, Inc. (Maynilad) ang kanilang bagong  water project na kinapapalooban ng pag-recycle sa ‘used water’ para  gawing malinis na inu­ming tubig.

Ang okasyon ay pinangunahan nina Maynilad President at CEO Ramoncito S. Fernandez at Chief Operating Officer Randolph T. Estrellado  na nanguna sa pag-inom ng recycled water para patunayan na malinis na inumin ang tubig mula sa proyekto.

Kasama sa launching  sina  Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) Chief Regulator Atty. Patrick Lester N. Ty , Parañaque Mayor Eric L. Olivares, City Environment and Natural Resources Office Head Bernardo Amurao, Department of Health–Environmental and Occupational Health Center (DOH-MMCHD) Head Dr. Wency Blas; Department of Environment and Natural Resources Undersecretary for Field Operations-Luzon, Visayas at Environment Atty. Juan Miguel T. Cun at  MWSS Administrator Engr. Leonor C. Cleofas. Sa kanilang pilot implementation ng bagong Water project, nagtayo ang Maynilad ng may P450-million modular treatment plant  na kokolekta sa treated used water na na-discharged ng Parañaque Water Reclamation Facility at mai-convert itong  drinkable water.

May kakayahan itong magbigay ng 10 milyong litro ng malinis na tubig kada araw  na  idaraan  sa distribution system para ihalo sa standard drinking water mula sa  Maynilad’s La Mesa Treatment Plants bago isuplay  sa mga narangays San Isidro at San Dionisio sa Parañaque City.

Ang  New Water Project  ng Maynilad  ay nakakuha na ng  Certificate of Potability sa Parañaque City Heath Office.  Ang New Water project ay isa sa inisyatiba ng Maynilad upang madagdagan ang mga alternatibong  raw water source options para isuplay sa dumaraming customer at magamit  itong panuplay sa panahon na may water shortage sa Metro Manila.

WEST ZONE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with