^

Metro

BuCor tutulong sa NBI probe vs Bilibid deaths

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
BuCor tutulong sa NBI probe vs Bilibid deaths
This file photo shows the New Bilibid Prison in Muntinlupa City.
STAR / File

MANILA, Philippines — Tiniyak ng Bureau of Corrections (BuCor) na makikipagtulungan sila sa National Bureau of Investigation (NBI) sa imbestigasyon sa tunay na dahilan ng pagkamatay ng mga inmates ng New Bilibid Prisons (NBP) na unang sinabing dahil sa COVID-19.

Ito ay makaraang magsampa ang NBI ng kasong murder laban sa 22 pulis ng National Capital Regional Police Office (NCRPO) na itinurong may kaugnayan sa pagkamatay sa walong high-profile inmates sa Bilibid.

Sa kabila nito, sinabi ni BuCor spokesperson Gabriel Chaclag na dapat pinag-uusapan na lamang sa korte ang naturang ­usapin.

“There is no conspi­rancy or collusion to hide the details of what is going on behind the scene,” giit ni Chaclag.

Kabilang sa mga nasa­wing inmates ang notoryus na si Jayvee Sebastian na isa sa tumestigo laban kay dating Sen. Leila de Lima. Inilagay sa mga ulat na nasawi ang mga inmate dahil umano sa COVID-19.

“Mayroong natuklasan ‘yung ating Death Investigation Division agents na mukhang mayroong sistema o mayroong pamamaraan sila paanong magkaroon nga ng COVID o kaya ay palabasin na namatay ito sa COVID. May criminal intent,“ ayon kay NBI Deputy Director at spokesperson Ferdinand Lavin.

”Kahina-hinala dahil ‘yung iba walang…hindi nagmanifest ng sintomas. Sinasabi nilang nag-positive. At noong napatay na, noong swinab-test, ito ay nag-negative,” dagdag ni Lavin.

Mula Mayo hanggang Hulyo noong 2020, nasa walong inmate sa Maximum Security Compound at Building 14 ang nasawi.

BUCOR

NBI

NBP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with