Manila City Hall Clock Tower Museum, tourist spot na!

Photo shows the renovated Manila clock tower, which was inspected by Mayor Isko Moreno.
Jesse Bustos

MANILA, Philippines — Bago matapos ang kanyang termino ay nilagdaan ni dating Mayor Isko Moreno na ngayon ay citizen Isko, ang isang executive order na nagdedeklara bilang  tourist spot sa lungsod, ang iconic Manila City Hall Clock Tower Museum.

Mismong si Moreno ang nanguna sa ribbon-cutting ng nasabing museum kasama sina secretary to the mayor at ngayon ay city administrator Bernie Ang, National Museum Director Jeremy Barns, National Historical Commission of the Philippines Chairman Rene Escalante, National Anti-Poverty Commission Undersecretary Penelope Belmonte at Intramuros Administrator Guiller Asido.

Matatandaan na noon pa ay may panawagan na nai-rehabilitate ang nasabing  clock tower pero nagawa lamang ito matapos ang 25 taon.

Sa Manila Clock Tower Museum ay makikita ang iba’t-ibang  multisensory exhibit ng mga historical events sa Maynila.

Ang “Battle for Manila” portion ay dinesenyo at ­maingat na pinili at inayos nina Ohm David at Elba Cruz.

Samantala ang visual artist na si Maestro Rene Robles, kasama ang  international artists na sina Sherwin Paul Gonzales at Nante Carandang ay itinampok ang kanilang international art movement na may titulong “Assertionism.

Makikita rin sa nasabing museum ang iba pang si­ning tulad ng  award-winning artworks.

Show comments