^

Metro

Protesta ng mga militante, naging payapa

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Protesta ng mga militante, naging payapa
Photo shows progressive groups protesting the presidency of Ferdinand Marcos Jr., the son of the late ousted dictator, at the Plaza Miranda in Manila on Thursday, June 30.
Philstar.com / Franco Luna

MANILA, Philippines — Naging mapayapa ang kilos-protesta na ikinasa ng iba’t ibang militanteng grupo sa Plaza Miranda sa Quiapo, Maynila kahapon kasabay sa isinagawang panunumpa ni Pres. Ferdinand Marcos Jr.

Sa pagtataya ng Manila Police District (MPD), nasa 1,000 militante ang nakilahok sa programa.

Kabilang sa mga grupo ay ang Karapatan, Kilusang Mayo Uno, Ba­yan Muna at Anakpawis.

Isinigaw na mga isyu nila ang pagsusulong sa Press Freedom, Coco Levy Fund, at pagpapanagot sa mga sangkot sa korapsyon at paglabag sa human rights.

Inokupahan naman ng mga pro-Marcos ang Liwasang Bonifacio na mas malapit sa National Museum na ginanapan ng inagurasyon ni Marcos Jr.

Habang isinusulat ito, patuloy ang pagbabantay ng mga pulis sa galaw ng mga raliyista na hindi na nagtangkang lumapit sa venue ng inagurasyon.

Higit 15,000 tauhan ng pulisya, sundalo at Coast Guard maging mga force multipliers ang nagbantay sa bisinidad ng inagurasyon.

MPD

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with