MANILA, Philippines — Inaprubahan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang hirit ng mga drayber na P2 dagdag na pasahe sa jeep sa buong bansa.
Ito ay sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.
Dahil dito, nasa P11 na ang minimum na pasahe sa traditional jeep, habang nasa P13 naman ang minimum na pasahe sa modern jeep.
Hindi na isinama sa taas pasahe ang provisional na P1 taas pasahe na pansamantala lamang at maaaring mabago imbes P2 taas pasahe lamang ang idinagdag sa orihinal na P9 minimum na pasahe .
Magiging epektibo ang dagdag pasahe sa July 1.
Patuloy namang bibigyan ng 20 percent discount ang mga pasahero na senior citizens at persons with disabilities at mga estudyante.(Angie dela Cruz) Naglagay na ng 13 checkpoints ang Manila Police District (MPD) sa iba’t ibang lugar at hangganan ng lungsod bilang bahagi ng ipinatutupad na seguridad sa inagurasyon ni president-elect Ferdinand Marcos Jr.
Sa abiso ng MPD-Public Information Office, kabilang sa mga lugar na lalagyan ng checkpoints ang: Brgy 101 sa Mel Lopez Blvd; H. Lopez Blvd. sa Tondo; Juan Luna St. sa Tondo; Blumentritt malapit sa kanto ng Dimasalang St. sa Sta. Cruz; España Blvd. cor Blumentritt Extn.; at R.M. Blvd. corner Altura Street sa Sampaloc.
Maglalagay rin ng checkpoints sa: New Panaderos St.; Rizal Avenue corner R. Papa; Lubiran Bridge, Lubiran St., Bacood; Pinaglaban bridge; Roxas Blvd., malapit sa kanto ng P. Ocampo St.; Taft Ave., Corner P. Ocampo; at 2nd street Brgy. 649 Baseco Compound, Port Area.
Una nang nagpatupad ng pagsasara ng mga lansangan at pagtatatag ng mga traffic re-routing scheme ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA).
Maging sa mga miyembro ng media na magko-kober ng inagurasyon ay naging mahigpit din dahil sa kinailangan pa ng akreditasyon at negatibong RT-PCR test.