Progreso at pagbabago, pamana ni Oreta sa Malabon
MANILA, Philippines — Tiniyak ni Malabon City Mayor Lenlen Oreta na matapos man ang kanyang termino, hindi naman malilimutan ang kanyang mga proyekto na binigyang buhay ng kanyang pamamahala.
Ayon kay Oreta, isa sa mga pinagtuunan niya ng pansin ay ang programa para sa kalusugan kung saan pinaganda niya ang serbisyo ng Ospital ng Malabon. Lalo pang nasubok ito nang dumating ang pandemya simula noong 2020 at hindi sila nagpatinag.
Naglatag, nagsagawa at nagpatupad si Oreta ng mga epektibong solusyon ang lungsod upang matulungan ang mga Malabonian na malabanan at masugpo ang COVID-19.
Tinutukan din ni Oreta ang problema sa malnutrisyon, edukasyon, livelihood, drug rehabilitation, mga batang biktima ng pang-aabuso at in city housing resettlement.
Marami pang naging proyekto si Oreta sa kanyang termino na tiyak na nakatulong sa pagpapaganda at pagsasaayos ng takbo ng pamumuhay sa lungsod.
Napaganda rin ang serbisyo ng Lokal na Pamahalaan ng Malabon dahil sa pagpapatupad at pagsunod sa mga regulasyon katulad ng Anti-Red Tape Act at Malabon Citizen’s Charter. Isa sa kanilang mga innovation ay ang online payment system o E-BOSS.
Taliwas sa mga naging balita at mga haka-haka nitong nakaraang mga araw, hindi iniwan ni Oreta ang Malabon na walang pera. Nag-iwan ng balanse ang alkalde na nagkakahalaga ng P1,427,755,035.97 upang panimula para sa bagong uupo na administrasyon.
- Latest