MANILA, Philippines — Mananatili ang Metro Manila sa mas maluwag na quarantine classification na Alert Level 1 hanggang sa katapusan ng Hunyo sa kabila ng naitatalang pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Magugunitang sa kabila nito, inihayag na rin ng Department of Health na sa kabila ng pagtaas hindi pa naman halos naapektuhan ang mga pagamutan at maging ang intensive care utilization rates.
Sa tantiya naman ng Octa sinasabing sa katapusan ng buwan ay maaaring makapagtala ng 500 kaso kada araw.
Ang positivity rate sa Metro Manila ay tumaas ng 2.7%, sa kabila na ito ay mababa pa ng 5 threshold sa World Health Organization na nagpapakita lamang na ang pagkalat ng virus ay kontrolado.
Ang seven-day average ng COVID-19 infections ay tumaas din ng 53%.
Nakapagtala ang DOH ng 1,682 additional infections mula June 6 hanggang 12.