Tren ng LRT-1, tumirik: Operasyon, naantala
MANILA, Philippines — Pansamantalang naantala ang operasyon ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) matapos na tumirik ang isang tren nito sa area ng Maynila, kahapon ng umaga.
Sa paabiso ng Light Rail Manila Corporation (LRMC), nabatid na dakong alas-7:10 ng umaga nang unang magpatupad ng ‘15kph speed restriction’ ang LRT-1 mula Baclaran hanggang Balintawak matapos na tumirik ang isang light rail vehicle (LRV), na kaagad namang pinuntahan ng mga technician nito.
Pagsapit naman ng alas-7:14 ng umaga ay nagpatupad na ng ‘stop for safety’ ang LRT-1 sa biyahe mula Balintawak hanggang Baclaran, dahil sa nagkaaberyang tren sa United Nations (UN) Avenue Station sa Maynila.
Nang maayos ang problema ay kaagad namang ibinalik ng LRT-1 sa normal ang kanilang biyahe, pagsapit ng alas-7:26 ng umaga.
- Latest