Guro wanted sa rape, pinosasan sa loob ng paaralan

MANILA, Philippines — Pinosasan sa loob ng isang paaralan sa Tondo, Maynila ang isang guro na nakatala na Top 1 Most Wanted ng Manila Police District- Sta. Mesa Police Station 8 dahil sa kasong panggagahasa.
Kinilala ang inaresto na si Arnold Albert Punzalan, 29, isang elementary teacher.
Isinilbi sa kaniya ang warrant of arrest sa kasong dalawang bilang ng rape na inisyu ni Manila Regional Trial Court Branh 43 Judge Roy Gironella.
Sa ulat ng pulisya, dakong alas-11:30 ng tanghali nang arestuhin ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ng Station 8 si Punzalan habang nasa loob ng isang silid-aralan sa pinapasukan niyang paaralan.
Wala namang inilaan na piyansa para sa pansamantalang kalayaan ni Punzalan dahil sa bigat ng kaniyang kinakaharap na kaso na isang henious crime.
- Latest