2 timbog sa drug ops sa Taguig
MANILA, Philippines — Mahigit P1.2 milyong halaga ng iligal na droga ang nasamsam sa dalawang katao sa magkahiwalay na buy-bust operation sa Taguig City, iniulat kahapon.
Kinilala ni P/Colonel Maximo Sebastian Jr, hepe ng Parañaque Police ang isa sa mga suspek na si Mogeric Villaluz Bayaoa, alyas Nognog, 42 na nakumpiskahan ng nasa 95 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng 646,000.
Alas-4:30 ng madaling araw nang ilunsad ng Parañaque Police Drug Enforcement Unit at Police Sub-Station 4 ang buy-bust operation laban sa suspek sa Tramo 1, Brgy. San Dionisio, Parañaque City.
Samantala nauna rito, alas-6:00 ng gabi ng Hunyo 6, 2022 naman nang mahulihan ng Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ng 100 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P680,000 ang pamangkin umano ni Pateros Mayor Miguel “Ike” Ponce III, na si Cris Allen Ponce, 28.
Nakatakas naman ang kasama niyang sangkot din sa pagbebenta ng droga na si alyas ‘Budoy’, residente ng Pinang St., Ligid Tipas, Taguig City.
- Latest