Sekyu huli sa droga at boga

Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director P/Brig. General Jimili Macaraeg ang suspek na si Eugenio Egbalic, alyas Eugene, 39, residente ng Western Bicutan, Taguig City.
STAR/File

MANILA, Philippines — Kalaboso ang isang security guard nang mahulihan ng ilegal na droga at baril nang isilbi ang search warrant, sa Bicutan, Taguig City, Huwebes ng umaga.

Kinilala ni Southern Police District (SPD) Director P/Brig. General Jimili Macaraeg ang suspek na si Eugenio Egbalic, alyas Eugene, 39, residente ng Western Bicutan, Taguig City.

Sa ulat, dakong alas-8:00 ng umaga ng Hunyo 9, 2022 nang pasukin ng mga operatiba ang bahay ng suspek sa Sitio Ato Site, Zone 7-B Brgy. Western Bicutan Taguig City ng mga tauhan ng Taguig City Police-Sub Station 2 gamit ang Search Warrant No. 2022-027 na inisyu ni Judge Antonio M Olivete ng  Branch 267 Regional Trial Court City ng Taguig City.

Nakumpiska rin sa kanya ang 24 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng ?163,200.00, at isang kalibre 38 revolver na may 6 na bala.

Show comments