^

Metro

Nasunugang pamilya sa Quezon City inayudahan ni Mayor Joy Belmonte

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Nasunugang pamilya sa Quezon City inayudahan ni Mayor Joy Belmonte
Mayor Joy Belmonte greets her constituents and supporters in a gathering Quezon City in a photo released on May 3, 2022. Belmonte is seeking reelection this month.
Belmonte campaign

MANILA, Philippines — Binigyan ng pinansyal na tulong ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga pamilyang nasunugan sa Brgy. Tatalon, Mariblo, at San Vicente sa lungsod.

Ayon kay Belmonte, bawat biktima ay nakatanggap ng P10,000 para sa mga house owner at P5,000 para sa renters o sharers.

Bago tumanggap ng financial assistance, sumailalim muna ang mga ito sa verification para matiyak na ang mga talagang naging biktima ng sunog ang Siyang makakatanggap ng ayuda.

Nauna nang nabigay ng material assistance at food packs mula sa pamahalaang lungsod at barangay ang mga pamilyang nasunugan.

Tiniyak din ni Belmonte sa mga residente ng QC na palaging nakaagapay ang lokal na pamahalaan sa mga ito lalo na sa panahon ng pangangailangan.

JOY BELMONTE

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with