11 milyong backlog sa plaka, aabutin ng higit 1 taon - LTO

Ayon kay LTO chief Edgar Galvante, umaabot pa lamang anya sa 7 milyon ang mga plaka ang kanilang nagagawa.

MANILA, Philippines — Aabutin ng isa at kalahating taon bago matapos ang backlog sa plaka ng mga sasakyan sa Land Transportation Office (LTO)

Ayon kay LTO chief Edgar Galvante, umaabot pa lamang anya sa 7 milyon ang mga plaka ang kanilang nagagawa.

Anya maaari umanong maipagawa sa labas ang plaka para mabawasan ang malaking backlog sa plaka.

Sa ngayon 18 oras ang laan ng LTO sa paggawa ng plaka kada araw.

Maraming motorista naman ang nagrereklamo kung bakit hindi agad ma­bigyan ng plaka ng LTO ang mga bagong sasakyan na nairerehistro sa ahensya.

Show comments