Lider ng ‘Vietnamese 5-6 Gang’, arestado

Kinilala ang nadakip na dayuhan si Vo Van Tai, 26. Nasakote siya ng mga operatiba ng Bi-Intelligence Division sa may Purok Rosal, Poblacion West sa Science City ng Munoz, Nueva Ecija.
STAR/ File

MANILA, Philippines — Naaresto ng mga tauhan ng Bureau of Immigration (BI) ang isang Vietnamese na itinuturong lider ng isang ‘5-6 lending gang’ na nag-ooperate sa Batangas at isa pang lugar sa Luzon.

Kinilala ang nadakip na dayuhan si Vo Van Tai, 26. Nasakote siya ng mga operatiba ng Bi-Intelligence Division sa may Purok Rosal, Poblacion West sa Science City ng Munoz, Nueva Ecija.

Bukod sa kaniya, naaresto rin ang dalawa niyang kasamahan na sina Vo Khac Binh, lalaki at Vo Thi Mai, isang babae, kapwa 49-taong gulang.

Lider umano si Vo Van ng isang sindikato na ilegal na nagpapautang ng pera at dinudukot o sinasaktan kapag hindi nakakapagbayad ang kanilang pinapautang.

Una nang nadakip ng BI ang walong miyembro ng kaniyang gang sa may Lemery, Batangas nitong Abril 28.

Sa kaniyang pagkakadakip, nakumpiska sa kaniya ang isang pekeng BIR TIN identification card na may ibang pangalan, para maitago ang kaniyang totoong pagkakakilanlan.

Show comments