MANILA, Philippines — Inaasahan na ang pagtaas pa ng presyo ng krudo sa susunod na linggo, pero bababa naman ang presyo ng gasolina.
Ayon sa Unioil Petroleum Philippines na ang kanilang fuel price forecast para sa petsang May 31 hanggang June 6, 2022 ay magtataas ang presyo ng krudo ng P1.00 hanggang P1.20 kada litro.
Ang presyo naman ng gasolina ay maaaring bumaba ng mula P1.50 at P1.60 kada litro dulot ng paggalaw ng presyuhan ng petroleum products sa merkado.
Noon lang nakaraang linggo nagbaba ang presyo ng diesel at tumaas ang gasolina na kabaligtaran naman sa sinasabing fuel forecast na ipapatupad sa darating na Martes.