^

Metro

Mon Tulfo inaresto sa cyber libel

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Mon Tulfo inaresto sa cyber libel
Ramon Tulfo
The STAR / Edd Gumban

MANILA, Philippines — Inartesto kahapon ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang broadkaster at kolum­nista na si Ramon Tulfo sa Manila City Hall dahil sa kinakaharap na kasong ‘cyber libel’.

Sa inisyal na ulat, dakong alas-10:05 ng umaga nang arestuhin ng mga tauhan ng MPD-Special Mayor’s React Team (SMaRT) sa pa­ngunguna ni PMaj Edward Samonte si Tulfo, 75, habang nasa quadrangle ng Manila City Hall sa Ermita, Maynila.

Inihain sa beteranong mamamahayag ang Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa R.A. 10175 o ang ‘Cybercrime Prevention Acts of 2012’ na inisyu ni Judge Maria Victoria Soriano-Villadolid, ng Manila Regional Trial Court Branch 24.

Nabatid na isang Atty. Lean Cruz, ang tumawag sa MPD-SMaRT at ipinarating na nasa bisinidad si Tulfo na may kinakaharap na arrest warrant.

Nag-ugat ang pag-aresto sa kasong libelo na isinampa ni dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre noong siya pa ang kalihim ng DOJ.  Hindi umano dumadalo sa mga pagdinig si Tulfo kaya napalabasan siya ng arrest warrant.

Sinabi ng MPD-Public Information Office, na binasahan si Tulfo ng kaniyang Constitutional Rights sa ilalim ng RA 7438 bago ipinatupad ang pag-aresto.  

Nakatatandang kapatid si Ramon ni Senator-elect Raffy Tulfo na nangakong una niyang aasikasuhin ang dekriminalisasyon ng kasong libelo ngunit pananatilihin ang ‘criminal liability’.

MON TULFO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with