^

Metro

Grupo ng kabataan sa Maynila, nag-street party nang walang face mask

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Grupo ng kabataan sa Maynila, nag-street party nang walang face mask
A passenger (C) sits inside a tricycle covered with a reminder to wear a mask, part of the COVID-19 health protocols, in Manila on Feb. 16, 2022.
AFP / Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Nahuli  sa ‘camera’ ang isang grupo ng mga kabataan  sa lungsod ng Maynila na nagsasagawa ng ‘street party’ nang walang suot na mga face mask.

Nabatid na nagseselebra ng fiesta sa kanilang lugar ang mga kabataan ngunit nakita silang nagsasayawan sa kalsada ng walang suot na face mask at dikit-dikit din na paglabag sa ipinatutupad na ‘health protocols’ ng pamahalaan.  Marami ring umpukan na nag-iinuman sa gilid ng kalsada ang mga kabataan na isa ring paglabag sa ordinansa sa Maynila.

Nakita namang nag-iikot ang mga opisyal ng barangay at sinisita ang mga kabataan.  Ang mga walang face mask ay pinauuwi na lamang.

Katwiran ng isang tinedyer na residente, ito kasi umano ang unang pagkakataon na makapagselebra sila ng fiesta matapos ang dalawang taon na lockdown.  Hindi naman umano sila nag-imbita ng bisita na taga-ibang lugar bilang pag-iingat din at sila-silang magkakapitbahay na lamang ang nagkasayahan.

Sa inilabas na datos ng Manila City Health Department, mayroon pang 25 aktibong kaso ng COVID-19 sa Maynila nitong Mayo 15.

Magmula nang pumutok ang pandemya sa bansa noong 2020, nakapagtala na ang siyudad ng kabuuang 115,881 kaso kung saan nasa 1,922 sa kanila ang pawang mga nasawi. 

MANILA CITY HEALTH DEPARTMENT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with