Lacuna: Unang babaeng alkalde ng Maynila

Manila Vice Mayor Honey Lacuna and Rep. Yul Servo, who are candidates for mayor and vice mayor in the capital city, join a caravan of their supporters on Tuesday, Feb. 8, 2022.
Philstar.com/Irish Lising

MANILA, Philippines — Gumawa ng kasaysayan si incumbent Vice Mayor Honey Lacuna makaraang maiproklama kahapon na unang babaeng alkalde ng siyudad ng Maynila.

Pasado alas-7 ng gabi nang ideklara ng local board of canvassers ng Comelec si Lacuna bilang nagwagi sa ­mayoralty race sa Session Hall ng Sangguniang Panglungsod.

Iprinoklama rin ang bagong Bise Alkalde na si Yul Servo na ka-tandem ni Lacuna.

Si Lacuna ang anak ng dati ring Vice Mayor ng Maynila na si Danny Lacuna na tumakbo rin noon bilang alkalde ngunit nabigo na manalo. Papalitan niya si ‘one-term’ Mayor Isko Moreno.

Show comments