^

Metro

PhilHealth contribution, tataas sa Hunyo

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
PhilHealth contribution, tataas sa Hunyo
Ayon sa PhilHealth, ang mga miyembro na kumikita ng P10,000 hanggang P80,000 kada buwan ang tatamaan ng naturang taas ng kontribusyon.
STAR/File

MANILA, Philippines — Simula sa buwan ng Hunyo ngayong taon ay tataas na sa 4 percent ang kontribusyon na kakaltasin sa mga mi­yembro ng PhilHealth mula sa kasalukuyang 3 percent.

Ayon sa PhilHealth, ang mga miyembro na kumikita ng P10,000 hanggang P80,000 kada buwan ang tatamaan ng naturang taas ng kontribusyon.

Nilinaw ng PhilHealth na ang hakbang ay batay sa umiiral na Universal Health Care Law.

Ayon sa PhilHealth, dapat ay noong Ene­ro pa ngayong taon tumaas sa 3.5 percent ang PhilHealth premium mula sa kasalukuyang 3 percent pero dahil sa ina­ayos pa ng ahensiya ang kanilang IT system ngayong Hunyo na lamang sisimulan ang pagtataas ng premium contributions.

Nilinaw ng PhilHealth na hindi agad nila naa­yos ang sistema dahil sa pandemya.

Target ng PhilHealth na makalikom ng P180 bilyon mula sa kontribusyon nga­yong 2022.

vuukle comment

PHILHEALTH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with