^

Metro

MSMEs bigyan ng 5-taon na tax payment term - Chiz

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
MSMEs bigyan ng 5-taon na tax payment term - Chiz
Noong 2021, ipinasa ng Kongreso ang Republic Act 11534 o ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act na ibinababa ang income tax ng MSMEs sa bansa sa 20% mula 30% kung hindi lalampas nang P5 milyon ang ta­xable income ng mga ito at kung hindi sosobra sa P100 milyon ang lahat ng assets ng mga ito.
STAR / File

MANILA, Philippines — Para mapabilis ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa matapos ang pandemya, sinabi ni Sorsogon Gov. Chiz Escudero na dapat na pag-aralan ng pamahalaan ang pagbibigay ng mahaba-habang panahon sa micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa pagbabayad ng mga buwis.

Sinabi ni Escudero, na kumakandidato para sa bagong termino sa Senado, na dapat magpasa ang Kongreso ng isang batas upang mabigyan ng direktang tulong ang MSMEs, tulad ng ginagawa sa ibang bansa, at upang magkaroon ang mga ito ng tax payment term na hanggang limang taon.

“Para makabangon tayo mula sa pandemiya, dapat magpasa ang susunod na Kongreso ng batas na tutulong sa MSMEs. Sa papaanong paraan? Halimbawa, bigyan ng direktang ayuda katulad ng ginawa ng ibang bansa para may pang-suweldo sila ng 6 hanggang 12 buwan. Kapag may suweldo ang empleyado, iikot ang ekonomiya sa kanilang lugar,” aniya.

Dapat din umano na bigyan ang mga ito ng palugit kaugnay sa pagbabayad ng buwis na maaa­ring tatlo hanggang limang taon, puwedeng hulug-hulugan ang pagbabayad ng buwis

 Ang MSMEs ang bumubuo ng 957,620 negos­yo na nag-o-­operate noong 2020, ayon sa Phi­lippine Statistics Authority. Sa numerong ito, 952,969 ang MSMEs habang 4,651 lang ang malala­king ­ne­gosyo.

Nasa 88.77% ng MSMEs ay micro enterprises.

Noong 2021, ipinasa ng Kongreso ang Republic Act 11534 o ang Corporate Recovery and Tax Incentives for Enterprises (CREATE) Act na ibinababa ang income tax ng MSMEs sa bansa sa 20% mula 30% kung hindi lalampas nang P5 milyon ang ta­xable income ng mga ito at kung hindi sosobra sa P100 milyon ang lahat ng assets ng mga ito.

TAX

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with