Women empowerment advocacy ni Heart, dinala sa Muntinlupa

Heart Evangelista.
Philstar.com/Kat Leandicho, file

MANILA, Philippines — Binisita ni global brand ambassador at social media celebrity Heart Evangelista-Escudero ang Muntinlupa Training and Resource Center for Women (MTRCW) upang alamin kung papaano siya makakatulong sa komunidad bilang parte ng kanyang women empowerment advocacy.

Sa kanyang pagdalaw roon, natuto ang aktres at fashion icon sa proseso ng paggawa ng mga lokal na produkto tulad ng bottled bangus, gourmet tuyo, at tinapa, at pati na peanut butter.

Naglaan din ng oras ang 37-year-old na, misis ni Sorsogon Gov. Chiz Escudero na nagbabalik-Senado, upang makasalamuha ang 160 kababaihan na sumasailalim sa iba’t ibang livelihood trainings upang madagdagan ang kita ng kanilang mga pamilya.

Sa kanyang maikling pananalita, hinimok ni Mrs. Escudero ang mga kababaihan na magtayo ng kahit na maliit na negosyo kapag natapos na nila ang training na ibinigay nang libre ng lokal na pamahalaan sa pamamagitan ng Gender and Development (GAD) Office at Muntinlupa City Technical Institute.

“We, as women, are here to give love, to take care of people and so as we get together, let us empower each other, support each other. Suportahan din po natin ang mga programa na binibigay ng city para mas maging maayos ang ating mga buhay at mabigyan natin ng pansin ang mga capacities natin to create wonderful things and create an impact,” dagdag niya.

Show comments