Bill ng Maynilad customers, makikita na online

Ang hakbang ay bahagi ng programa ng Maynilad na mabigyan ng hassle-free digital service ang kanilang mga customers.
STAR / File

MANILA, Philippines — May free access na ang lahat ng kostumer ng Maynilad Water Services Inc, sa online service portal ng kompanya sa mga Smart at TNT users .

Ito ay makaraang makipagkasundo ang Maynilad sa telecom giants Smart at Talk N’ Text upang libreng maka-access sa online customer service portal ng kumpanya na “My Water Bill”, ang mga Maynilad customers na subs­cribers ng Smart at Talk N Text.

Ang “My Water Bill” portal ay nagbibigay ng access sa mga kostumer para sa kanilang Maynilad online account na makikita sa  kanilang water bills  para sa nakalipas na 12 buwan.

Sa ngayon ang prepaid subscribers ng Smart at Talk N’ Text ay regular na makaka-browse ng portal kahit walang load ang kanilang cellphone basta’t aktibo ang kanilang SIM Card.

Ang mga postpaid users naman ay may free access kahit walang charge sa mobile data, maaaring mag-save kung mag-access sila at gagamitin ang  online payment channels.

Ang hakbang ay bahagi ng programa ng Maynilad na mabigyan ng hassle-free digital service ang kanilang mga customers.

“Even before the pandemic led to a shift toward digital transactions, Maynilad has been optimizing available technologies to enhance online customer experience. We will continue to look for ways to improve and expand our customer touchpoints so that transactions with us will become even more convenient,” pahayag ni President at CEO Ramoncito Fernandez.

Upang malaman ang benepisyo sa pagrerehistro sa “My Water Bill”, kailangan lamang na tingnan ang Maynilad’s Facebook page o ang kanilang Twitter account o bisitahin ang //mywaterbill.mayniladwater.com.ph/.

 

Show comments