MANILA, Philippines — Tatlong araw isasagawa ng Philippine National Police (PNP) ang Local Absentee Voting para sa national at local election na lalahukan ng mahigit 30,000 pulis.
Ayon kay PNP Public Information Office (PIO) chief Brig. Gen. Rhoderick Alba, isasagawa ang LAV sa Abril 27,28, at 29 kung saan 26,813 mga pulis na nakadestino sa Police Regional Offices (PRO’s) ang lalahok sa botohan habang 3,248 na pulis naman na naka-assign sa National Headquarters sa Camp Crame.
Sa Police Provincial Office ang magtatalaga ng lugar sa mga PROs habagn Multi-Purpose Center, Camp Crame Quezon City ang mga pulis na nakabase sa Camp Crame.
Nabatid na manual ang magiging paraan ng kanilang pagboto kung saan isusulat ng mga pulis ang napiling kandidato sa official ballot.
Sa ilalim ng LAV, ang mga pulis na botante ay pinapayagang bumoto kahit hindi sila rehistradong botante dito dahil hindi sila makakaboto sa mismong araw ng eleksyon kung saan kinakailangan nilang mag-duty sa araw na ito.
Maari silang bumoto kahit anumang araw sa Abril 27,28, at 29, mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon.