MANILA, Philippines — Sinampahan na ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at ng pulisya ang lalaking nagsunog ng P20 na pera sa isang video sa social media platform na TikTok.
Sa pahayag ng BSP na kinasuhan na ng paglabag sa Presidential Decree No. 247, Article 154 ng Revised Penal Code, as amended, at RA 10175 (Cybercrime Prevention Act of 2012) ang 24-anyos na suspek na nakilala sa pangalang Jam Jaren sa Quezon City Prosecutor’s Office.
“We will pursue this case until conviction,” ayon kay Deputy Governor Mamerto Tangonan ng BSP Payments and Currency Management Sector. “We assure the public that BSP shall continue to protect the integrity of our currency,” dagdag niya.
Sa video, nakita si Jam Jaren na sinusunog ang P20 ‘new generation currency banknote’ at saka ginamit ito para sindihan ang lahat ng isang bote ng alkohol. Sinabi ng BSP na ang pagsunog sa pera at ang video mismo ay lumabag sa batas.
Hiniling naman ng BSP sa publiko na iulat ang anumang kahalintulad na insidente sa BSP Payments and Currency Investigation Group sa pamamagitan ng pagpapadala ng email sa pcig@bsp.gov.ph.