P1,000 polymer bill ‘not for sale’ – BSP

A Philippine eagle will replace World War II heroes Josefa Llanes Escoda, Vicente Lim and Jose Abad Santos on the face of the P1,000 banknote.
Bangko Sentral ng Pilipinas Gov. Benjamin Diokno / Release

MANILA, Philippines — Inabisuhan ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na hindi ipinagbibili ang bagong labas na P1,000 pera na gawa sa polymer makaraang limitado munang bilang ang inilabas sa publiko.

Sa pahayag ng BSP, ang bagong isanlibong pera, “is only worth its face value and should not be sold, traded, or bought for any other amount.”

Sinabi ng Bangko Sentral na ilalabas ang bagong pera ng ‘phases’ o unti-unti lamang ngayong Abril habang epektibo pa rin naman ang lumang disenyo ng naturang demonisasyon.

Bukod sa gawa na sa ‘polymer’, pinalitan ng di­senyong Philippine Eagle ang dating tatlong bayani sa harapan at may ‘South Sea pearl’ naman sa likuran.

Sa unang yugto ng sirkulasyon ng bagong pera, ire-recalibrate ang mga ‘automated telling machines (ATMs) at iba pang makina para maayos na mabilang at makapag-dispense ng bagong P1,000 polymer na pera.

Tinatayang nasa 500 milyong P1,000 polymer banknotes na nagkakahalaga ng P500 bilyon ang ilalabas sa sirkulasyon ng BSP mula 2022 hanggang 2025. Inihayag pa ng BSP na sa pamamagitan ng bagong ‘polymer’ na pera, mapapalakas nito ang laban sa mga namemeke, promosyon sa kalikasan, at makakaresponde pa sa isyu sa kalusugan ngayong pandemya.

Show comments