Escalators, elevators ng LRT-2, operational na simula Lunes

A person with disability struggles to climb the stairs of the Light Rail Transit Line 2’s Recto station while security personnel carry his wheelchair.
Image courtesy of Kevin Bola. STAR / File

MANILA, Philippines — Mas marami pang escalators at elevators ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2) ang magiging operational na simula ngayong Lunes, Abril 18.

Ito ay matapos ang pagdaraos ng Holy Week maintenance activities ng naturang railway system.

Sa inilabas na advisory ng Light Rail Transit Authority (LRTA), simula ngayong darating na linggo, ang mga operational na escalators sa mga istasyon ng linya ay magiging 52 na, mula sa dating 31 lamang.

Sa kabuuan, ang LRT-2 ay mayroong 72 escalators at 40 elevators mula sa Antipolo hanggang Recto Avenue sa Maynila.

Anang LRTA, layunin nilang maging operational ang lahat ng elevators at escalators sa lahat ng istasyon ng LRT-2 sa lalong madaling panahon upang maging kompor­table ang commuting public, partikular na ang mga senior citizens at persons with disability o  PWDs.

Show comments