Ilang biyahe sa PITX lilimitahan, kakanselahin sa Biyernes Santo
MANILA, Philippines — Ilang biyahe sa Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) ang lilimitahan at kakanselahin pagsapit ng Biyernes Santo, Abril 15.
Sa isang public advisory, nabatid na kabilang sa mga kanselado ang biyahe sa Biyernes Santo ay ang 1)Pio Duran, Albay; 2) Camarines Norte: Daet at Jose Panganiban; 3.) Camarines Sur: Naga, Pasacao, Iriga, Balatan, Garchitorena, Buhi; 4.) Catanduanes: Virac, Bagamanoc, Baras, Viga; 5.) Sorsogon: Matnog, Pilar, Bulan, Gubat, Sorsogon City; 6.) Lemery, Batangas; 7.) San Jose, Occidental Mindoro; 8.) Quezon: Infanta, San Francisco at 9.) Saulog trips to Cavite City, Naic, at Ternate
Ayon pa sa PITX, may biyahe pa rin sa mga lugar na wala sa listahan, pero magiging limitado na ang mga ito.
Kaugnay nito, nagpaalala rin naman ang PITX sa mga biyahero na nagpaplanong umuwi ng mga lalawigan na tiyaking makabiyahe sila hanggang ngayong Huwebes Santo, Abril 14.
Habang isinusulat naman ang balitang ito ay normal pa ang operasyon ng mga public transport companies sa naturang terminal.
- Latest