59K pulis, ikakalat ngayong Holy Week break

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson Colonel Jean Fajardo,  itinalaga ang  mga pulis  sa mga matataong lugar, tulad ng bus terminal, paliparan, pantalan, simbahan, at maging lugar pasyalan.
KJ Rosales

MANILA, Philippines — Nasa 59,000 pulis ang ikakalat sa ibat-ibang lugar sa bansa upang matiyak ang seguridad ng mga mamamayan   ngayong Semana Santa.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson Colonel Jean Fajardo,  itinalaga ang  mga pulis  sa mga matataong lugar, tulad ng bus terminal, paliparan, pantalan, simbahan, at maging lugar pasyalan.

Nakalatag din ang  kanilang  mga Police Assistance Desks sa mga transport hubs, mga highway, at tourist destinations para umalalay sa mga bibiyahe ngayong Semana Santa.

Bagama’t may kaluwagan na ang sitwasyon at  maraming deboto ang  magtutungo sa mga  simbahan at mga pasyalan nakaalalay pa rin ang mga pulis upang paalalahanan ang publiko sa pagsusuot  ng  face mask at social distancing.

Aniya, dapat na ipaalala sa publiko na nananatili ang  banta ng  COVID- 19.

Dagsa  kahapon ang mga pasahero sa mga terminal upang makahabol sa pag-uwi sa kanilang mga probinsiya at magHoly Week.  Wala namang banta sa seguridad.

Show comments