59K pulis, ikakalat ngayong Holy Week break
MANILA, Philippines — Nasa 59,000 pulis ang ikakalat sa ibat-ibang lugar sa bansa upang matiyak ang seguridad ng mga mamamayan ngayong Semana Santa.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson Colonel Jean Fajardo, itinalaga ang mga pulis sa mga matataong lugar, tulad ng bus terminal, paliparan, pantalan, simbahan, at maging lugar pasyalan.
Nakalatag din ang kanilang mga Police Assistance Desks sa mga transport hubs, mga highway, at tourist destinations para umalalay sa mga bibiyahe ngayong Semana Santa.
Bagama’t may kaluwagan na ang sitwasyon at maraming deboto ang magtutungo sa mga simbahan at mga pasyalan nakaalalay pa rin ang mga pulis upang paalalahanan ang publiko sa pagsusuot ng face mask at social distancing.
Aniya, dapat na ipaalala sa publiko na nananatili ang banta ng COVID- 19.
Dagsa kahapon ang mga pasahero sa mga terminal upang makahabol sa pag-uwi sa kanilang mga probinsiya at magHoly Week. Wala namang banta sa seguridad.
- Latest