Riders nagkaisa vs Gordon, dahil sa ‘Doble Plaka Law’

In this March 24, 2019 photo, a motorcycle rider joined a unity ride in EDSA to protest the oversized double plate number policy that was signed into law by President Rodrigo Duterte.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Patuloy na tinututulan ng Motorcycle Riders Organization ang makontro­bersiyal na ‘ Doble Plaka Law’ .

Dahil na isinusulong ng ri­ders community ang “no vote” para kay Sen. Dick Gordon na siyang may-akda ng   Motor­cycle Crime Prevention Act (RA 11235) o mas kilala sa tawag na ‘Doble Plaka Law’.

Sinabi ni MRO Chairman JB Bolanos,  wala silang inilunsad na pormal na kampanya laban sa kandidatura ni Gordon ngunit lumulutang ang ‘no vote’ para sa senador  sa kanilang hanay.

Dahil dito kaya mismong mga riders na umano ang nananawagan sa kapwa-riders na huwag iboto ang senador.

Ang pahayag ay ginawa ni Bolanos bilang reaksyon sa mga social media posts na nanawagan ng “No vote” kay Gordon kabilang na dito ang grupong Kalipunan ng Riders sa Makauring Adbokasiya na nagsabing hindi dapat iboto si Gordon para na rin sa karapatan, kapakanan at kaligtasan ng mga riders, ang Alliance of Pagbilao Riders na naghihikayat ng pagkakaisa ng mga riders para sa 0 % vote ni Gordon.

Binibira ng riders group ang ‘Doble Plaka Law ‘dahil hindi ito dumaan sa public consultation at pawang naglalaman ng anti- rider provisions.

Noon pa man ay personal na ang pag-atake ni Gordon sa mga motorcycle riders. Ang mga isinusulong umano nitong panukala ay pawang anti-rider gaya na lang ng una nitong suhestiyon na maglagay ng plate number sa helmet at magkaroon ng color coded helmet at pagturing sa mga riders bilang kriminal bunsod na rin ng paglipana ng riding in tandem.

Hindi umano masisisi ni Gordon kung galit sa kanya at ikinakampanya ng mga riders na hindi ito maibalik sa Senado.

Sa kasalukuyan ay nakabinbin sa Manila at Quezon City Regional Trial Court ang dalawang petisyon na humihiling na ideklarang unconstitutional ang ilang probisyon sa nasabing batas.

Show comments