93 bagong abogado mula sa attached agencies ng DILG, binati ni Año
MANILA, Philippines — Nagpaabot si Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año nang pagbati sa mga personnel ng lahat ng attached agencies ng kanilang ahensiya na nakabilang sa mga bagong abogado ng bansa matapos makapasa sa 2020-2021 Bar examinations.
Ayon kay Año, labis na ipinagmamalaki ng DILG ang bawat bar passer at hinikayat ang mga ito na ipagpatuloy ang pagkakaloob ng ‘Matino, Mahusay, at Maaasahan’ na brand ng serbisyo ng DILG, ngayong tatahak na sila sa panibagong yugto ng kanilang buhay bilang mga abogado.
Nabatid na nasa 93 ang mga bagong abogado na mula sa DILG Central at Regional Offices at mga attached agencies nito na Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Bureau of Fire Protection (BFP), National Police Commission (NAPOLCOM), at National Commission on Muslim Filipinos (NCMF).
“To our new lawyers, I laud you for your diligence despite the difficulties and delays in your Bar [examinations] that is brought about by the pandemic. Nagagalak ako na sa pagtupad ng inyong tungkulin bilang kawani ng Kagawaran, nagawa ninyo pa ring mag-aral at magsakripisyo para sa mas magandang kinabukasan, sa pamamagitan ng abogasiya,” ani Año, sa isang pahayag.
“To our attached agencies, I look forward to working together as partners in our continuous pursuit to serve the public,” aniya pa.
Dagdag pa ng kalihim, “Passing the Bar exam is no easy feat especially if you are committed to public service in these trying times due to the COVID-19 pandemic kaya naman binabati ko ang ating mga kasama sa BJMP, BFP, NAPOLCOM, at NCMF na ngayon ay bagong mga abogado na”.
- Latest