Libreng sakay sa EDSA Carousel, simula na ngayong Lunes

MANILA, Philippines — Simula na ngayong Lunes, Abril 11, ang libreng sakay sa EDSA Busway Carousel.
Magsisimula ang unang biyahe sa EDSA Busway Carousel alas-4 ng madaling araw at magtatapos ganap na alas-11 ng gabi.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), mula sa 532 kabuuang bilang ng Public Utility Buses (PUBs) ng EDSA Busway Carousel na kalahok ng programa, 515 mula rito ang mangunguna sa pagbibigay ng Libreng Sakay sa mga mananakay.
Inaasahan rin naman ang pagbubukas ng mga karagdagang ruta at pag-arangkada ng mga karagdagang Public Utility Vehicle (PUV) para sa Libreng Sakay sa buong bansa sa mga susunod na araw.
- Latest