DENR-NWRB: Walang krisis sa tubig ngayong summer
MANILA, Philippines — Patuloy na binabantayan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) sa pamamagitan ng National Water Resources Board (NWRB) ang lebel ng tubig sa Angat Dam pati na rin ang operasyon nito sa gitna ng low-set water level ng dam.
Ayon kay Acting Environment Secretary Jim O. Sampulna ang mga miyembro ng NWRB Technical Working Group ay mahigpit na binabantayan ang water elevation ng Angat dam upang maiwasan ang isang water crisis lalo na sa panahon ng tag-init o summer season.
“Through the NWRB, we have already laid down preventive measures such as cloud seeding so that the public, especially those in Metro Manila, is assured of a steady water supply with the ongoing COVID-19 pandemic,” ayon kay Sampulna.
Nitong Abril 7, 2022, ang water elevation sa reservoir ay tumaas ng bahagya sa 194.15 meters mula sa pinakamababang elevation sa taon na 190.63 meters noong Abril 4, 2022.
Ang malawakang pag-ulan na naranasan sa malaking bahagi ng Luzon ay inaasahang magpapataas pa ng lebel ng tubig sa Angat Dam.
Ayon sa latest rainfall forecast at Angat Dam water level simulation, ang pinakamababang lebel ng tubig sa dam ay aabot sa 183.98 meters sa Hunyo. Dahil dito, maaaring hindi aabot sa nakatakdang minimum operating water level na 180 meters.
Inaprubahan ng NWRB ang water allocation na 50 cubic meters per second (CMS) para sa Metropolitan Waterworks and Sewerage System mula Abril 1 hanggang 15, at limang CMS naman sa National Irrigation Administration mula Abril 1 hanggang 30.
- Latest