Opisyal ng Customs, sugatan sa ambush

Nasa malubhang kondisyon sa Manila Doctors Hospital ang biktimang si Atty. Joseph ­Samuel Zapata, 30, ng  Brgy. San Isidro, ­Parañaque City . Ang biktima ay  internal and prosecution division investigator ng BOC.  Nagtamo siya ng tama ng bala sa likod ng kaniyang ulo.
STAR / File

MANILA, Philippines — Isa na namang opisyal ng  Bureau of Customs (BOC) ang nasugatan nang tambangan ng  riding-in-tandem sa Pasay City nitong Lunes ng gabi.

Nasa malubhang kondisyon sa Manila Doctors Hospital ang biktimang si Atty. Joseph ­Samuel Zapata, 30, ng  Brgy. San Isidro, ­Parañaque City . Ang biktima ay  internal and prosecution division investigator ng BOC.  Nagtamo siya ng tama ng bala sa likod ng kaniyang ulo.

Sa inisyal na ulat ng Pasay City Police, naganap ang pamamaril dakong alas-5:40 ng gabi sa may southbound lane ng Macapagal Blvd. malapit sa Met Live sa Brgy. 76 ng naturang lungsod.

Minamaneho ng biktima ang kaniyang puting Toyota Fortuner pauwi ng bahay ga­ling sa BOC nang dikitan siya sa bahagi ng driver’s side ng isang motorsiklo sakay ang dalawang salarin.  Pinaputukan ng angkas si Zapata saka tumakas patungo sa direksyon ng Maynila.

Nawalan ng kontrol sa pagmamaneho si Zapata dahilan para mabundol pa ng kaniyang sasakyan ang isang kotse.

Sa kabila ng imbestigasyon ng pulisya, humingi rin ng tulong si BOC Intelligence and Investigation Service Director Jeoffrey Tacio sa National Bureau of Investigation (NBI) para magsagawa rin ng sarili nilang pagsusuri sa kaso.

Show comments