^

Metro

Fuel subsidy ng LTFRB, tigil muna

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon
Fuel subsidy ng LTFRB, tigil muna
Photo shows jeepney driver have successfully claimed his Pantawid Pasada cash cards loaded with P6,500 fuel subsidy as part of the National Government’s support intervention to PUV drivers amid the rising fuel prices. The driver-beneficiaries can use the cash cards to purchase fuel at participating fuel stations nationwide.
The STAR/Michael Varcas, file

Nahagip ng spending ban ng Comelec

MANILA, Philippines — Dahil sa umiiral na ‘spen­ding ban’ ng Commission on Elections (Comelec) mula Marso 25 hanggang Mayo 8, itinigil muna ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pamimigay ng fuel subsidy para sa mga driver at operator ng mga pampasaherong sasakyan sa bansa partikular sa Metro Manila.

Sinabi ni  LTFRB executive director Maria Kristina Cassion, bago pa ang ban  ay nagsampa ang ahensiya ng aplikasyon  sa Comelec para sa exemption pero hanggang ngayon ay wala pang sagot sa kanilang kahilingan ang komisyon kaya tigil muna sila sa pamamahagi ng ayuda.

Sa ilalim ng Comelec’s Resolution No. 10747, kailangan ng certificate of ­exemption para maipatupad ang mga aktibidad at programa sa mga proyekto at serbisyo ng social welfare sa gitna ng pagbabawal na ito.

Anya habang hinihintay ang desisyon ng poll body hinggil dito ay tuluy-tuloy naman ang paggawa ng  may 86,000 Pantawid Pasada Program (PPP) cards para sa  pagkakaloob ng ibang benepisyo sa mga PUVs.

Una rito, nagkaloob na ang LTFRB  ng fuel subsidy sa may  110,200 PUVs .

Ang P6,500 fuel subsidy na kaloob ng pamahalaan sa pamamagitan ng LTFRB  sa bawat  driver at operator ng pampasaherong sasakyan ay bilang tulong na  maibsan ang epekto sa kanilang hanapbuhay dulot ng mataas na halaga ng petroleum products.

Target ng LTFRB na mabigyan ng fuel subsidy ang may 377,000 qualified PUV drivers at operators nationwide.

 

LTFRB

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with