Pag-Asa Murals, inilunsad sa Quezon City

MANILA, Philippines — Inilunsad ni Quezon City 5th District Congressional Candidate Patrick Michael “PM” Vargas ang ‘Pag-asa Murals’ na nagbibigay pagkakataon sa mga youth artists ng Novaliches na magpinta para sa lungsod ng may pag-asa at pagkakaisa sa kabila ng mga banta na dala ng pandemic.

Ang murals ay pipinturahan ng mga batang volunteer artists mula sa Youth for Progressive Movement (Youth for PM) Coalition, isang grupo ng mga youth organizations na nanawagan ng inclusive development, youth empowerment, at good governance sa Fifth District ng QC.

Ang Pag-asa Murals ay nailunsad sa tatlong community locations partikular sa Nenita sa Brgy. Gulod, Balagtas sa Brgy. Sta. Lucia, at Pascualer sa Brgy. San Bartolome, Quezon City noong buong buwan ng Marso 2022.

Sa kanyang speech , pinapurihan ni Vargas ang pagkakaroon ng volunteerism at creativity ng mga volunteer youth artists.

Pinasalamatan naman ni Youth for PM Convenor Andrea Mendiola si Vargas dahil sa mainit na suporta sa proyekto ng mga kabataan sa komunidad”.

Ang tema ng mural project ay “May Pag-asa ‘pag Magkakasama”, isang paalala sa mga residente ng QC na magkapit-bisig at magtulungan para sa kinabukasan ng bawat taga- lungsod.

Show comments