MANILA, Philippines — Bilang paggunita sa World Water Day, pinangunahan ng mga empleyado at volunteers ng Maynilad Water ang pagtatanim ng may 5,000 mangrove propagules sa barangay Sineguelasan Bacoor Cavite.
Ang Plant for Life activity ay taunang ipinatutupad ng Maynilad upang mai-promote ang environmental conservation.
Ang mangroves ay malaking tulong para maiwasan ang soil erosion, proteksiyn sa storm surges at naglalaan ng pagkain at sanctuary sa mga isda at ibon. Bukod ito sa mahalagang papel ng mangrove sa pagtanggal sa carbon at makatulong na maibsan ang epekto ng climate change .
Katulong ng Maynilad sa pagtatanim ng mangroves ang Bantay Dagat ng Bacoor City para mangalaga sa planting site.