^

Metro

Pulis na ‘grounded’, timbog sa e-sabong, estafa

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Pulis na �grounded�, timbog sa e-sabong, estafa
Si PLt. John Kevin Menes, 24,ng P. Hererra St., Tondo, Manila at nakatalaga sa PNP Drug Enforcement Group – Special Operations Unit – 4 (DEG – SOU 4) ay nahaharap sa kasong paglabag sa Article Art 315, RPC (Estafa) at P.D. 1602 (Illegal Gambling).
STAR/File

MANILA, Philippines — Sa kabila na isinailalim na sa restrictive custody ang isang opisyal ng PNP nang magtungo ito sa betting station sa Maynila na nagresulta ng kanyang pagkakaaresto dahil sa reklamong illegal gambling at estafa.

Si PLt. John Kevin  Menes, 24,ng P. Hererra St., Tondo, Manila at nakatalaga sa PNP Drug Enforcement Group – Special Operations Unit – 4 (DEG – SOU 4) ay nahaharap sa kasong paglabag sa Article Art 315, RPC (Estafa) at P.D. 1602 (Illegal Gambling).

Lumilitaw sa imbestigas­yon na naka-restrictive custody na si Menes sa PRO 4A Camp Vicente Lim sa kabiguang maipaliwanag ang nawawalang P500,000 cash na pondo para sa anti-illegal drug operations ng PDEG-PRO4A.

Marso 27 dakong alas -10 ng umaga nang umalis ng Camp Vicente Lim si Menes gamit ang hiniram na pulang sasakyan mula sa kanyang subordinate. Hindi na ito naibalik ni Menes na naging dahilan upang magsagawa ng operation ang kanyang mga kasamahan.

Marso 30, 2022 dakong alas-2:00 ng madaling araw nang makatanggap ng impormasyon mula sa infor­mant na nakita si Menes sa PITMASTERS Live OCBS sa Nagtahan-Ramon Magsaysay Blvd, Sta. Mesa, Manila na tumataya.

Dito na rin siya hinarang ng mga tauhan ng establisimento dahil na rin sa utang na taya sa E-Sabong na P15,000.

Itinuro rin ni Menes ang kinarooronan ng sasakyan ni Barbo na kanyang hini­ram. Natagpuan ito sa Mayhaligue St., Tondo, Manila kaya mabilis na nagtungo sa lugar ang mga tauhan ng PDEG-SOU 4 dakong alas-3 ng madaling araw. Dito ay dumating  ang  complainant na si  Angel Robert Maximo at sinabing sinanla sa kanya ni Menes ang sasakyan sa halagang P170,000 na may tubo na 1% kada araw.

Inamin ni Ma­ximo na inakala niyang si Menes ang may-ari ng sasakyan at nagtiwala siya sa opisyal. Hindi niya inisip na magagantso siya ni Menes.

Agad na ­inaresto si Menes at nahaharap sa patung-patong na kaso.

vuukle comment

ESTAFA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with