^

Metro

Alert Level 0 ‘di na kailangan - DTI

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Alert Level 0 âdi na kailangan - DTI
Photo shows Proclamation rally of Vice Mayor Honey Lacuna in Manila on March 27, 2022.
Philstar.com/Irish Lising

MANILA, Philippines — Hindi na kailangan ng bansa na ibaba ang CO­VID-19 status nito sa Alert Level 0 dahil “totally open” o bukas na ang ekonomiya, ayon sa Department of Trade and Industry (DTI).

“Sa amin ho, hindi na kailangan mag-Alert Level 0 kasi bukas, totally open ang economy eh. Napag­usapan namin sa IATF (Inter-Agency Task Force) for a while ‘yan at coming from the economic team, nakikita natin open naman ang economy,” pahayag ni Trade Secretary Ramon Lopez sa Super Radyo DZBB nitong Linggo.

Aniya, ilang mga lugar na ang nasa Alert Level 1 ngayon, bumalik na rin sa 100% ang operasyon ng mga negosyo, maging ang sektor ng Turismo ay bukas na rin sa local at foreign tourists.

Kabilang sa nasa Alert Level 1 ang Metro Manila at 47 iba pang lugar mula Marso 16 hanggang Marso 31.

“Itong Alert 1, nandun na tayo. Ang pinagkaiba na lang ng Alert Level 0 ay ‘yung mask. ‘Yun na lang nakikita namin eh, so hindi na kailangan for us,” paliwanag niya.

Sinabi pa ni Lopez na hindi nila inirerekomenda ang pag-aalis ng face masks kahit patuloy na sa pagbaba ang mga bilang ng kaso ng COVID-19 infections.

Hinimok na rin ni Lopez ang publiko na dapat na magpabakuna na ang lahat at magpa-booster shots.

Una nang sinabi ni Health Secretary Francisco Duque III na pinag-aaralan na ng gobyerno ang posibilidad na ibaba pa sa Alert Level 0 ang mga nasa Alert Level 1.

ALERT LEVEL

COVID-19

DTI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with