10 NCR Mayors, mananalo ulit - RPMD
MANILA, Philippines — Muling mananalo ang 10 nanunungkulan na alkalde sa National Capital Region (NCR) na muling tatakbo sa darating na halalan sa Mayo, base sa NCR Boses ng Bayan 2022 survey ng RP Mission and Development Foundation Inc. (RPMD).
Sa Quezon City, gusto pa rin ng mga botante ang kanilang kasalukuyang Mayor na si Joy Belmonte na nakakuha ng 63% score laban sa katunggaling si Cong. Mike Defensor na may 33% na puntos sa karera sa pagka-alkalde ng lungsod.
Continuity naman sa proyekto at programa, kaya suportado ng mga Navoteños si Mayor Toby Tiangco (89%) na tumatakbong Congressman at ang kanyang kapatid na si Cong. John Rey Tiangco (85%) na gusto muling maging alkalde.
Ang mag-amang Gardy at RC Cruz na katunggali ng mga Tiangco ay nakakuha lang ng 10% at 13%, ayon sa pagkakasunod.
Kumbinsido naman sa husay ng mag-amang Malapitan ang mga botante sa Caloocan City, kaya si Mayor Oca Malapitan na tumatakbong Congresman ay nabigyan ng 89% points laban kay Alou Nubla (10%). Samantalang, si Cong. Along Malapitan naman ay suportado ng 75% ng mga botante laban kay Cong. Egay Erice na may 24% sa labanan sa pagka-Mayor ng siyudad. Si Dean Asistio (72%) ay nanguna sa pagka Congressman laban kay ex. Cong. Recom Echiverri na may 27% lamang.
Ang magkapatid na Mayor Emi Calixto-Rubiano (86%) at Cong. Tony Calixto (89%) ng Pasay City ay namamayagpag sa latest survey at inaasahan na mananatili sa kani-kanilang pwesto. Ang iba pang nangunguna sa karera para sa mga Mayor ay sina Mel Aguilar (92%) ng Las Piñas, Abby Binay (97%) ng Makati, Marcy Teodoro (57%) ng Marikina, Vico Sotto (65%) ng Pasig, Ike Ponce (85%) ng Pateros, at Francis Zamora (94%) ng San Juan.
Samantala, ang mga bagong Mayor na inaasahan sa mga sumusunod na lungsod at mga nangungunang kandidato ay sina-Cong. Ruffy Biazon sa Muntinlupa City (74%), ex. Comelec Chairman Ben Abalos (95%) sa Mandaluyong, Vice Mayor Honey Lacuna (56%) sa Manila, ex. Vice Mayor Jeannie Sandoval (53%) sa Malabon, Cong. Eric Olivarez (76%) ng Parañaque, Cong. Lani Cayetano (70%) ng Taguig, at Cong. Wes Gatchalian (93%) ng Valenzuela.
Ayon kay Dr. Martinez, Executive Director ng RPMD, ang “NCR Boses ng Bayan 2022 election survey,” ay may tanong na “Kung ang halalan ay gaganapin ngayon, sino ang iboboto mong Mayor/Congressman?”, ayon kay Dr. Martinez, Executive Director ng RPMD.
- Latest