^

Metro

Army recruitment caravan, dinagsa

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
Army recruitment caravan, dinagsa
Nabatid na umabot sa mahigit 1,400 aplikante ang nagpunta sa unang araw ng caravan kung saan 150  ang aplikante sa Officer Candidate Course na kumuha ng pre-qualifying Armed Forces of the Philippines Service Aptitude Test (AFPSAT).
Miguel de Guzman / File

MANILA, Philippines — Dinagsa ng mga aplikante na nais na maging sundalo ang Philippine Army Recruitment Caravan  na ginanap sa Fort Bonifacio noong Sabado.

Nabatid na umabot sa mahigit 1,400 aplikante ang nagpunta sa unang araw ng caravan kung saan 150  ang aplikante sa Officer Candidate Course na kumuha ng pre-qualifying Armed Forces of the Philippines Service Aptitude Test (AFPSAT).

Bukod sa Officer candidates, bukas ang recruitment sa mga nais maging sundalo, reservist o civilian human resource ng Philippine Army.

Ang dalawang araw na recruitment caravan ay bahagi ng isang-buwang pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo ng Philippine Army.

Sinabi ni  Phil. Army Spokesperson Col. Xerses Trinidad, ang mga matatanggap na aplikante ay makakakuha ng buwanang sahod na 33 libo para sa candidate soldier; 37 libo para sa enlisted personnel na may ranggong private; 41 libo para sa Officer candidate; at halos 50 libo para sa 2nd Lt. na pumasok sa aktibong serbisyo.

Bukod pa dito ay mayroon din silang insurance, healthcare, at housing benefits; pagkakataon na lumahok sa local at foreign training; at iba pang mga oportunidad sa kanilang permanenteng trabaho.

PHILIPPINE ARMY

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with