‘B2B’ umarangkada sa Quezon City para kay Joy Belmonte at BBM
MANILA, Philippines — Daan-daang supporters nina Quezon City Mayor Joy Belmonte at frontrunner presidential candidate Bongbong Marcos ang naglunsad ng “B2B” na naglalayong isulong ang kandidatura ng dalawang personalidad para sa kaayusan at kaunlaran ng bansa.
Sa pamumuno ni Brgy. Laging Handa Chairman Mari Rodriquez, nagsanib-puwersa ang dalawang kampo ng Solid BBM at Solid Joy Belmonte para mas lalo pang palakasin ang kombinasyon ng dalawang prominenteng lider.
Ayon kay Rodriguez, ang mga nagawa ni Belmonte para sa Quezon City ay mas lalong masusuportahan ng national government sa ilalim ng BBM presidency.
Sa ngayon, si Belmonte ay nangunguna rin sa lahat ng pre-election survey na may 63% laban sa katunggali nitong si Anakalusugan partylist Rep. Mike Defensor na may 25%.
Kabilang sa Solid B2B group ay ang mga kasalukuyang barangay officials ng lungsod, mga dating opisyal, mga fire volunteers, mga TODA members at iba’t ibang people’s organization.
Tiniyak ni Rodriquez ang paglulunsad ng iba pang pagkilos sa mga darating na araw ay upang lalo pang palakasin ang B2B na pormal inilunsad sa Quezon City Memorial Circle.
- Latest