^

Metro

Bakunahan sa LRT-1 Central Station sa Maynila, arangkada na

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Bakunahan sa LRT-1 Central Station sa Maynila, arangkada na
Umarangkada na rin ang bakunahan sa Light Rail Transit (LRT) Central Station na naglalayong lalo pang mapabilis at mapalawak ang vaccination program ng pamahalaan para tuluyang makamit ang herd immunity sa Metro Manila
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Binuksan na rin kahapon ng pamunuan ng Light Rail Manila Corporation (LRMC) ang COVID-19 vaccination site sa Central Station ng Light Rail Transit Line 1 (LRT-1) sa Maynila.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), maaa­ring magpabakuna ang publiko sa naturang vaccination site mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon, mula Lunes hanggang Biyernes.

Anang DOTr, kabilang sa mga maaaring magpabakuna sa naturang train station ay mga adult passengers na nangangailangan ng first dose o booster shot laban sa COVID-19.

Available anila sa natu­rang vaxx site ang mga brand ng bakuna na Sinovac, Mo­derna, at AstraZeneca.

Sinabi ng DOTr na target ng LRMC na makapagbakuna ng may 200 indibidwal kada araw sa naturang site.

Upang makapagpabakuna, kailangan lamang na magpa-pre-register sa https://manilacovid19vaccine.ph/home.php.

Ang mga hindi naman rehistrado online ay aasistihan on-site para sa kanilang registration bago sila turukan ng bakuna.

“This is in support of the nationwide vaccination drive against COVID-19, and in line with the directive of Department of Transportation Secretary Art Tugade to push for initiatives that would help ensure the healthy, safety and overall welfare of the riding public,” anang DOTr.

Una nang inianunsiyo ng pamunuan ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ka­makalawa, na simula ngayong Martes, Pebrero 22, ay bubuksan na rin nila ang vaccination sites sa ilang istasyon ng Light Rail Transit Line 2 (LRT-2).

Anang LRTA, maaaring magpaturok ng bakuna sa Recto Station sa Maynila, tuwing Martes at Huwebes, mula alas-8:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon; at sa Antipolo Station sa Rizal, tuwing Miyerkules at Biyernes, mula alas- 8:30 ng umaga hanggang alas- 4:00 ng hapon.

Una nang inihayag ni DOTr Secretary Arthur Tugade na plano nilang gamitin ang mga railway stations bilang vaccination sites, upang mapaigting pa ang government vaccination campaign laban sa COVID-19.

­

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with